Friday, June 29, 2007

Inang TNT sa Kent, Washington

Kahit ang araw ay sumusunod

Sayong sipag. Mula pa sa lagpas-tanaw,

Ang liwayway ay bumubuka

Sa kislap ng pinupunasang pinggan

At lababo ng iba. Nabubulabog ang umaga

Sa dalit daling yapak sa may kahabaan

Ng 234th ave south. Sa lakad mo nahahawa

Ang kutitap ng mga dahon sa sanga,

Nagniningning, yumayagayway sa pagbulusok

Ng panibagong pag-asa. Sa mga pawis mo

Nauumpisang uminit ang paggawa sa paligid.

Diyan, sa tiyagang pinipi ng dokumento

Ng pagkatao, nakilala ka ring mukha,

Nakilala ka ring sumisinag ng buhay na lanta.



Nung una kitang makita, inunahan ka

Ng araw sa pagsisid sa dilim

kahit dinig na ang tawag ng kama

sa katawan. Pero tila yatang di kaya

Magpahinga ang pagibig. Ang tiyaga

Ay lubha yatang naipanganak

Sa walang imik na hingpis,

Di kayang damhin ang modernong pagmamalabis.



Ngayong di pinatupad ang pagtanggap

Sayong pangalan, mananatiling habol

Ng araw ang yong daratnan.

Pero saang lupalop ka man masusundan,

Hilang hila mo ang kadakilaan.



By: george pagulayan

12:26am

06/28/07

4 comments:

Ariel said...

Got ya, I feel it, the TNT sentiment and terror in that sentiment. Nia ket a biagen, aya!

tommy said...

Ka agca!!!! nakaad-adayu ken nakangatngatu kayon manong! di kon matangad dayta lubong yo! nu mapan kayo ditoy CA, dumaw-as kayo ditoy kaserak dtoy. taga san nicholas ni manang clara. hehe!

Ariel said...

ok, ok, pagammuan agkatkatokakon iti ridawmo. naalakon ti addressmo.

Anonymous said...

Great work.