Saturday, January 27, 2007

How a City Grows

Even in Fresno, California
Hunger bursts out as a filthy face
And dirty clothes, wandering on sidewalks,
Pubs, bars, and train stations.

Passersby just hurry home,
Ignore and forget about dirts.

When car windows begin to break
In dark parking lots, people have more reasons
To spend on lights and police assistance.

And soon becomes a city of one's pride.

Thursday, January 25, 2007

Balita Galing Pinas

(Alay ko sa mga Kababayan ko sa Leyte at Ultra)

Laging malamig ang balita galing Pinas
Pagdating dito sa America.
Sa sobrang layo ng tadhanang
Namamagitan sa atin,
Mula silangan hanggang Kanluran
Ng ating kamalayan, dadaan
Pa sa Hongkong, China, Taiwan,
Japan, Hawaii, Guam, o Europa,
Ang diwa saka makakarating at kakatok
Sa pusong ayaw pagbuksan
Ang sinumang estranghero na
May dalang kilabot: nagdurugo man
Ang mukha, hiwahiwalay man
Ang mga parte ng katawan
Dahil sa pag-apak ng libo-libong
Kahirapang humahabol sa kapalaran
Na ipinamamahagi nun sa ultra;
Punit-punit man ang pantalon, bra, panti, ari,
Dahil sa pagbisita ng kinaibigang nasa
Na naghahanap pa ng mas maraming mga pinya,
Mga saging, mga asukal, mga niyog, mga isda
Sa kanilang hapagkainan; lumusot man
Ang mga mata, bituka, o mga lamang loob
Na dahil sa walang pampalibing nun
Inunahan na lang ang kamatayan
Sa matagal nang gumuguhong buhay.

Laging malamig ang balita galing Pinas
Pagdating dito sa America. Kaya hindi nito
Kayang gisingin ang mahimbing na mga pagtulog.
Ni lukso ng dugo, nawawala na ang mga lapot
Na dati’y dumadaloy sa mga mata.
Katulad na lang siya ng mga numerong
Iniuukit sa mga punsod, sa mga gusali,
Sa mga libro, o sa mga laboratoryo
Ng kaalamang binebenta sa atin. Kasinlamig
Na ng hangin ng Pebrero na lagi
Ay kinukumutan lang ng makakapal
Na pagtitiis at lakas ng loob dahil wala na rin
Ibang paraan para maiwasan ang pang-aapak
Ng kahirapan, ang paghahabol sa napakaagang kamatayan
At ang panggagahasa ng takwil na kaibigan.

Panagawid

Uray dagiti awan garadgad na
nga urnos ti Amerika:
Tayag ken taer dagiti edipisyo,
Linis ken lawa dagiti kalkalsada,
Pudaw ken pintas dagiti babbai,
Ket di da kaya a gamruten
Dagitoy mail-iliw nga mata.
Kada biyernes ti malem ti panagawid,
Agpukaw laeng dagiti rupa,
kolor ken kur-it ti pagnaan. Awan anus
Da nga mangawis ti talyaw ken siddaaw
Ti puso. Maiwalwalin pati dagiti boses
Nga ngalngalngalen da. Marunaw amin
Nga banag, damag, lasag, imbag
Ti kanito ket tumartaray ti panunot
Iti sesenta a milya per ora iti bus # 183.
Ruta: Mangrugi Kent Ingana Bacagan, Baggao
Ti nakaat-atiddog nga problema.

Awan pay ti tapok,
Awan pay ti ligsong,
Awan pay ti bagyo, layos, el niño
La niña a nalabasak: adayu
Nga agpayso ti nakayanakak.

Awan pay dagiti nangingisit
Nga gaget iti siksiko ti taltalon.
Awan pay dagiti agduduog nga rigrigat
Nga tartaraknen dagiti rinibu-ribo nga ektarya
Ti mais, ti pagay, ti balatung, ti tabako,
Nga nabayagen nga inkamada ti utang,
Ti porsiyento ti paltog wenno pakdaar
Sadiay Munisipiyo ti makinkukwa ti daga,
Makinkukwa ti pagkilwan, ti kalkuleytor, ti kwarta
A panggatang met laeng
Ti mais, ti pagay, ti balatung, ti tabako
Nga awan patingana nga rigat: Adayo pay
Nga agpayso ti nakayanakak.

Ngem imbag laengen ta awan tapok ditoy,
Awan ligsong ditoy, awan layos ditoy.
Adda kuma pambar ko nga saan nga bumaba
Ditoy sarawiswis ti gura ken iliw ditoy barukong ko.

Bukel

Ditoy nan a naadal nga agtubo
ken agkalatkat toy bukel. Ammo nan
Ti mangidaplag kadagiti urat
Ditoy adayu nga nanam ti daga.
Uray pay agmaymaysa laeng
ken awan karuprupa na a bulong
Iti aglawlaw nga purpurusen ti lamiis,
Natibker latta dagiti karadap,
Iggem-iggem na dagiti kuyegyeg
Nga nabayagen nga tinagikwa
ti limed ken liday kada agsapa.
Kasla makiay-ayayam laeng
Iti panawen. Lumned tumpaw
A kas isem ti ubing, awan sao na nu agriing.
Kas kadagiti takder ti kaykayo ti arubayan,
Mapugtuwan nanto met laeng dagiti ar-arasaas
Ti angin. Dagiti uni ti billit, didanto ilimed
Dagiti pakdaar ti bulan, ti panaglabas
Na ditoy, dita, diay bangir nga disso
A naggapwan tapno maatur nanto
Dagiti payapay ti bulbulong,
Dagiti tangad sadiay ulep,
Uray saanton nga makasubli,
Awan met ketdi ukis nga sumabali.

Hindi ito Pagkakaisa

Hindi ito pagkakaisa

Meron lang tayong Pacquiao

Na sinusuntok ng ibang kamao

Hindi ito pagkakaisa

Meron lang silang ibang wika,

Ibang watawat

At ibang pambansang awit.

Hindi ito pagkakaisa

Kundi may mas malalim pa kaysa

Paligsahan para tawagin mo

Akong kababayan

Guimaras

nanlilisik ang mga matang umaahon

mula sa iyong karagatan. kulay pula

ang mga pag-aalalang bitbit

ng mga dumadaong sa iyong pampang.

pagod na ang inuumagang mga tuhod.

dama ng mga bangka ang mga pagkukulang.

kahit ang gutom, di na kayang itulak

ang mga sisid. dahil mapabundok man,

o mapadagat, hindi na halina

ang lumuliyab sayo, guimaras. hindi na

ang mga kislap-perlas sa’yong dalampasigan

ang tumatali ng kalikutan sa mga paa.

hindi na ang lambig ng mga ibon, o kuliglig

o lukso ng mga isda ang nag-aaya

ng ala-krayolang dapa at manghang banyaga.

wala na ang halimuyak ng araw, ng hangin,

ng mga parang, ng kapusokan ng mga bulaklak

o prutas, hindi na rin aakyat sa puno

ang mga halakhak at pagasa

sa iyong mga kabataan: paano pa

susukatin ang mga siglang matagal

nang kinitil ng libu-libong ektarya

ng iyong mga bukirin at kabundukan? Saan

mo pa kaya ihehele ang iyong mga anak?

sa yong bisig ay mga matang matagal nang nakamasid

kaya sa tanawin mo’y nagdurugo ang ngitngit.

May Pakpak Man ang Tula

May pakpak man ang tula

‘Di rin makakarating ang talinghaga.

Hanggang lipad lang sa kalawakan ng isip

Ang diwa, namamayagpag hanggang pampang

Ng ating pagkakaiba. Di nito kayang tawirin

Ang karagatan ng mga kulay, ng mga batas,

Ng mga kaalaman, ng mga paniniwala,

Ng mga hapagkainan, ng mga sinapupunan,

Ng mga panahon, ng mga kasaysayan,

Ng mga pangyayari, ng mga pagtulog

Na matagal nang ginigising sa atin.

May pakpak man ang tula

‘Di rin makakarating ang talinghaga.

Susubsob lang sa mga tuldok at padamdam

Ang mga pag-aalala, ang mga hinagpis,

Ang mga katuwaan, ang mga pag-iibigan,

Ang naghahabulang mga pawis sa mga pabrika,

Sa mga lansangan, sa mga paaralan

Sa mga karagatan, sa mga kabundukan

Sa mga sakahan o piskarya, sa mga tulay

Na matagal nang tinatayo ang tatag sa atin.

May pakpak man ang tula,

Di rin makakarating ang talinghaga.

Ibubulsa lang ito ng mga dekalibreng makata

At iguguhit sa ala-ala. Di nito naibubulong

Sa hampas ng ulan sa bubong ng ating paglaya

O sa hampas ng alon sa mga dalampasigan ng ating pagkadapa

O sa hampas ng hangin sa mga dahong

Matagal nang pinipitas ang sigla sa atin.

May pakpak man ang tula

Di rin makakarating ang talinghaga.

Gaya ng mga nakapulang salita,

‘Di ito makakahabol sa ultra, o sa Hacienda Luisita,

O sa mga magsasaging, sa mga maggugulay

Sa mga magnyo-nyog, sa mga magpipinya

Na matagal nang ninanakawan ng katas sa atin.

May pakpak man ang tula

Di rin makakarating ang talinghaga.

Tunog ng Langit

Bakal ang tunog ng kalangitan

Dito sa Washington. Lumalampas sa Tenga

Ang Ugong ng nagmamadaling buhay

Sa ulap, hinahabol ang lipad ng mga palengke

Sa kalawakan. Laging puti ang mga guhit,

Hatinghati ang paningin.

Pero kung ang tunog sana ay para tubusin lahat

Ang mga dalangin sa hapagkainan,

Mas nanaisin ko pang manatili na lang

Ang mga ibon sa kagubatan.

Sinigang at Buhay Migrante

(para sa isang kaibigang nakalimutang iuwi ang pinakisuyong sinigang na bangus sa bahay)

Maglilimang buwan na ang paninirahan ng Amerika

Sa aking panlasa. Pagdating nila noong Agusto 31,

Bilis ang naghanda ng cracler oats. ‘Di tuloy makahabol

Sa oras ang mahiyaing amoy ng tuyo, kamatis, kanin,

Tanging kakampi ng milyon-milyong sigla

Ng mga manggagawa, magsasasaka at mangingisda sa akin.

Kaya sa tuwing kakailanganin nila ang sipag, sila na nagpapakasasa

ng lamig at kalayaan, naaalala lagi ang mga iniwang amoy

Na karugtong ng sikmura pero nilulunok pa rin

Ang kinabukasang gawa sa hamburger at cereal.

Ngunit, di gaya ng mga kampanang talaorasan

Sa tiyan na nakagawiang palampasin ng tulog,

Tubig o tulala noon sa bayang iniwan,

May libreng ngiti sa pakete ng ham. Nakakapahid din naman

Ng Kalinga sa lalamunan. Subalit, yaong mga sinaing ng paggawa,

Lamig ang tagapagpaalala: Makahigop man lang sana

Ng mainit na pagpupuyat ng mga mangingisda sa laot,

Matikman man lang sana ang mga tiyaga at pagibig

Na binubungkal sa bukid, masulyapan man lang sana

Ang mga nawawalang mukha at hininga sa pabrika.

Maalaala man lang sana ang mga buntong hininga sa kusinang

Pinagtagpitagpi ng mga pangamba tatlong beses isang araw.

Sa pagkain ko man lang sana naiambag ang pagdaloy

Ng kakarampot na economiya sa akin

Kabit-kabit na buhay sa akin

Kabit-kabit na buhay natin.

Pagkatapos ng Taglagas

Tapos na ang taglagas sa Amerika

At gaya nun ng mga dahong di mapigilan

Ang pagbabago ng sariling mga kulay

Hindi marunong magpaalam ang panahon

Sa oras ng peligro.

Ibinulong man ng hangin ang mga palatandaan,

Ikinubli man ng ulap ang nauubos nang kislap

At sigla ng mga indayog sa sanga

Kinakailangang bumitaw at bumalik sa lupa

Gaya ng aking paglisan upang habulin ang kapalaran.