Thursday, January 25, 2007

Balita Galing Pinas

(Alay ko sa mga Kababayan ko sa Leyte at Ultra)

Laging malamig ang balita galing Pinas
Pagdating dito sa America.
Sa sobrang layo ng tadhanang
Namamagitan sa atin,
Mula silangan hanggang Kanluran
Ng ating kamalayan, dadaan
Pa sa Hongkong, China, Taiwan,
Japan, Hawaii, Guam, o Europa,
Ang diwa saka makakarating at kakatok
Sa pusong ayaw pagbuksan
Ang sinumang estranghero na
May dalang kilabot: nagdurugo man
Ang mukha, hiwahiwalay man
Ang mga parte ng katawan
Dahil sa pag-apak ng libo-libong
Kahirapang humahabol sa kapalaran
Na ipinamamahagi nun sa ultra;
Punit-punit man ang pantalon, bra, panti, ari,
Dahil sa pagbisita ng kinaibigang nasa
Na naghahanap pa ng mas maraming mga pinya,
Mga saging, mga asukal, mga niyog, mga isda
Sa kanilang hapagkainan; lumusot man
Ang mga mata, bituka, o mga lamang loob
Na dahil sa walang pampalibing nun
Inunahan na lang ang kamatayan
Sa matagal nang gumuguhong buhay.

Laging malamig ang balita galing Pinas
Pagdating dito sa America. Kaya hindi nito
Kayang gisingin ang mahimbing na mga pagtulog.
Ni lukso ng dugo, nawawala na ang mga lapot
Na dati’y dumadaloy sa mga mata.
Katulad na lang siya ng mga numerong
Iniuukit sa mga punsod, sa mga gusali,
Sa mga libro, o sa mga laboratoryo
Ng kaalamang binebenta sa atin. Kasinlamig
Na ng hangin ng Pebrero na lagi
Ay kinukumutan lang ng makakapal
Na pagtitiis at lakas ng loob dahil wala na rin
Ibang paraan para maiwasan ang pang-aapak
Ng kahirapan, ang paghahabol sa napakaagang kamatayan
At ang panggagahasa ng takwil na kaibigan.

3 comments:

Ariel said...

Good God, no dika pay nag-comment, diak ammo nga adda aglemlemmeng a nakalalaing a taga-Baggao. I know Baggao, its joys, its pains. Been there. Mahalo and aloha to you.

tommy said...

aloha manong ariel! Nakalalaing kanu! Diak ngarud malmalpas toy panangwingwingiweng ko kada basaek dagita inkur-it mo. Awan ammuk nga american writer a mas naimpapuswan a kas dagita insursurat mo.

Ariel said...

wa-wow, thanks. you can locate me as well at: asagcaoili-ariel.blogspot.com

stay healthy!